Latest News

Higit 120k pasahero, dumagsa sa mga daungan

Umabot nang mahigit sa 120,000 pasahero ang dumagsa sa mga daungan sa bansa nitong Sabado de Gloria.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), may kabuuang 123,484 pasahero ang dumagsa sa mga daungan kung saan 73,984 ang outbound passengers at 49,500 ang inbound travelers at ito ay naitala mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.


Nabatid na upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero,nagtalaga ang PCG ng may 2,779 personnel sa 15 district coast guards. May 453 vessel ang na-inspeksyon ng PCG at 1,954 motorbancas na bumiyahe sa iba’t-ibang ruta.

Inilagay rin ng PCG ang kanilang districts, stations at sub-stations sa ‘heightened alert’ bilang paghahanda sa mas malaking bilang ng pasahero hanggang Abril 10.

Ang heightened alert ay ie- extend umano sa ‘summer break’ o Mayo 31 para naman sa mga lokal na turista na bibiyahe para mamasyal.


Napag-alaman na noong Biyernes Santo, may 64,000 pasahero ang dumagsa sa iba’t-ibang daungan sa bansa. (Carl Angelo)


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like