Higit 100 preso sa Iloilo nagprotesta

Kinalampag ng mahigit 100 preso ang pamunuan ng Iloilo District Jail (IDJ) sa Pototan, Iloilo upang humiling ng sapat na pagkain at para sibakin ang kanilang jail warden.

Umakyat ng bubong ng kulungan ang mga preso upang isigaw na sila ay nagugutom. Ayon sa kanila, isang beses lang silang pinakapakin sa isang araw.


Iniimbestigahan na umano ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Region 6 ang reklamo ng mga preso. Paliwanag ni BJMP-Region 6 spokesperson Atty. Jairus Dogelio, sapat ang budget ng kulungan para makakain ang mga preso ng tatlong beses sa isang araw.

Dininig naman ng BJMP ang hiling ng mga preso na sibakin ang warden na si Jail Senior Insp. Norberto Miciano Jr.

Pansamantalang inalis sa pwesto si Miciano habang iniimbestigahan ang reklamo ng mga preso.


Tags: Iloilo District Jail (IDJ)

You May Also Like