Nasa mahigit 1 milyon na botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang nakapagparehistro hanggang nitong Hulyo 11.
Ayon kay Comelec Spokeperson John Rex Laudiangco, umabot na sa 1,013,805 katao ang nagparehistro kung saan 484,218 ang lalaki at 529,587, ang kababaihan.
Kabilang na dito ang kabataan nasa edad 15-17 na may 473,565; 242,633 ang nasa edad 18 – 30 ; at 41,118 ang 31 pataas.
Nalaman na ang registration ng mga botante ay nagsimula noong Hulyo 4 at magtatapos sa Hulyo 23. (Jaymel Manuel)














