UMAKYAT sa P1.57 bilyon ang halaga ng droga o may kabuuang 231.2 kilo ng metamphetamine hydrochloride ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bunsod ng sunod-sunod nilang anti-narcotics operation katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno nito lamang buwan ng Marso.
Kabilang na dito ang 160 kilos ng shabu na may street value na aabot sa P1.088 billion na nasabat ng PDEA sa ikinasang Buy-Bust Operation kamakalawa ng hapon March 8, 2022, sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, AFP, PNP, NICA at Bureau of Customs.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, arestado sa nasabing operasyon ang isang Chinese National na kinilalang si Tianzhu Lyu, tubong Fujian, China, at ang kasabwat nitong Pinay na si Meliza Villanueva, tubong Conception Tarlac na siyang nagbenta ng iligal na droga sa kanilang undercover agent.
Nilinaw ni Villanueva na ang ikinasa nilang Valenzuela Operation ay resulta ng serye ng kanilang mga previous anti-drug operations na nagsimula nitong March 1,2022 kung saan milyon milyong halaga ng umanoy shabu ang nasabat ng mga otoridad.
Sa kabilang dako, ipinagmamalaki ni Villanueva na nitong buwan lamang ng Marso nasa kabuuang 231.2 kilograms na shabu na nagkakahalaga ng P1.57 billion ang kanilang nasabat.
Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Sec. 5 &11 of Art. II ng RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naarestong suspeks.
Siniguro ng PDEA na sa mga susunod na araw asahan pa ang kanilang pinalakas na anti-illegal drug operations.
Nitong Marso 1, 2022, dalawang kilo ng shabu nasa P13.6 million ang nasamsam sa isang drug personality sa Cavite , noong Marso 2, 2022 may apat na kilo ng shabu na may halaga ng PHP 27.2 Million Pesos ang nasamsam at isang drug personality ang nadakip sa Bulacan
Sinundan ito nang pagkakahuli sa isang drug suspek na nakuhanan ng 60 kilo ng shabu na aabot naman ng P408 million sa Cebu. Nitong Marso 3, 2022, 200 Grams ng shabu na may P1.36 million ang nakuha sa apat na drug suspect na nahuli sa buy-bust operation sa Escalante City, Negros Occidental ,
Nitong Marso 4, 2022, limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P34 million ang nasamsam sa naarestong drug suspek. Sa kabuuan, ang anti-drug operations na ito ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 231.2 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride na nagkakahalaga ng P1.57 billion pesos. (VICTOR BALDEMOR)