Latest News

HIGH-RANKING NPA, PATAY SA SAGUPAAN

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD- on-the- spot sa ang isang high-ranking official ng New People’s Army (NPA), ang armadong galamay ng Communist party of the Philippines, na ng makasagupa ang mga elemento ng Philippine Army sa General MacArthur, Eastern Samar.

Ayon kay Army Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, napatay ng kanyang mga tauhan ang pinuno ng Squads 1 at 2 ng Apoy Platoon, Sub-Regional Committee Sesame ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Sa impormasyong ibinahagi ni Gen. Vestuir, naka-engkwentro ng 78th Infantry Battalion si Joel Guarino, alyas Duran. kasama ang anim na nalalabing miyembro ng Squads 1 at 2 sa Barangay Osmeña bandang alas-9:25 kamakalawa ng umaga.


Wala namang namatay o nasugatan sa panig ng pamahalaan, ayon sa opisyal.

Narekober ng mga awtoridad ang caliber .45 pistol ng pagmamay-ari umano ni Guarino.


Kaugnay nito, nanawagan ni Vestuir sa mga natitirang kasapi ng NPA na samantalahin na ang inaalok na pagbabagong buhay ng gobyerno kaysa sapitin nila ang inabot na dagok ng kanilang kilusan na unti- unti na umanong nadudurog.


Tags: New People’s Army (NPA)

You May Also Like

Most Read