ISANG high-ranking Communist Terrorist Group leader ang inihabol sa Todos Los Santos ng mga tauhan ng Philippine Army, 12th Infantry (Lick-Ém) Battalion sa Sitio Hilwan, Manica, Libacao, Aklan.
Kinilala ang napaslang na remanants ng CTG na si Alvin Panoy alias Jake/Vinmar, 30, mula Lemery, Iloilo.
Si ‘Alias Jake’ ay dating Finance and Logistic Officer (FLO) ng Squad II, Igabon Platoon, Central Front Komiteng-Rehiyon Panay.
Matapos ang sagupaan ay na-recover ang bangkay ni Panoy at dinala ito sa Navejas Funeral Home, Libacao Aklan at saka dadalhin sa kanyang tinitirhan sa Lemery, Iloilo matapos na makumpirma ng kanyang pamilya ang pagkakakilanlan nito.
Naganap ang sagupaan bandang alas-6:28 ng gabi nitong nakalipas na linggo na tumagal ng mahigit 10 minuto nang nirespondehan ng mga sundalo ang sumbong ng mga lokal na residente hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan na nagsasagawa ng pangingikil sa kanilang lugar.
Bukod sa bangkay ay nakuha rin sa encounter site ang isang M16 rifle, tatlong magazines, isang bandolier, isang backpack at mga personal belongings.
Ayon kay, MGen Marion R Sison, Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, ang pagkaka-neutralize sa nasabing CTG finance and Logistic Officer ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng kasundaluhan at suporta ng mamamayan sa pagtiyak sa kapayapaan at katatagan sa Western Visayas.
“The death of alias Jake has disrupted the CTG’s attempt to recover their influence in Aklan, including its financial and logistical support system in both red and white area operations,” ani MGen Sison.