MAHIGIT dalawang kilo ng hinihinalang high- grade marijuana ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Port of Clark.
Ayon sa ulat, itinatayang may market value ang nasabing droga na umaabot sa higit P1.8 milyon at ikinubli sa mga ink toner packages.
Nadiskubre ang high- grade marijuana nang dumaan sa x-ray ng BOC at lumitaw ang kahina-hinalang images kaya ipinag- utos na agad itong isinailalim ito sa physical examination.
Sinasabing nanggaling ang kontrabando sa Sacramento, USA at ipapadala sana sa Surigao del Norte.
Nakalagay ang 12 plastic sachets ng droga sa itim na PVC cylinder na nasa isang brown rectangular box na may label na “Ink Toners.”
Agad na kinumpiska ang nasabing droga at saka itinurn-over sa PDEA, kung saan nagkakasa na rin ng imbestigasyon para matunton ang may-ari o tatanggap ng kargamento.