HIDWAAN SA SECURITY SECTOR, PINABULAANAN NG NSC

By: Victor Baldemor Ruiz

MARIING pinabulaanan kahapon ng National Security Council (NSC) na may namumuong rift o hidwaan sa hanay ng security sector ng bansa, bunsod umano ng isinagawang reorganization ng NSC .

Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, posibleng ipinakalat lamang ito ng ilang hanay kabilang ang mga militanteng grupo partikular ang mga kasapi ng Makabayan bloc sa pangunguna ng Bayan Muna, para lumikha ng isyu at para pag-awayin ang mga nasa pamahalaan.


“Ako na po ang nagsasabi ng maliwanag sa ating programa ngayon, wala pong rift sa ating security sector, ang atin pong unipormadong sundalo at personnel ng ating pamahalaan ay 100 percent behind the constituted authority and the chain of command. kung meron man po kayong nakikita sa social media na mga tao na may mga hinaing o may mga komento ito po siguro ay mga retiradong miyembro ng armed forces, wala pong mga incumbent or current officials of the armed forces na hindi sumusuporta sa chain of command, nasisiguro ko po yan,”ani ADG Malaya.

Sinabi pa ni Malaya na pang-iintriga lamang ito para makakuha ng media mileage lalo na at mag eeleksyon.

“Nang-iintriga lamang para makapag- headline, kumbaga it’s for the headline kasi nga papalapit na ang eleksyon, kailangan nilang nasa balita sila madalas dahil kailangan nila ng media mileage, ani Malaya.


Wala rin umano itong kinalaman sa territorial dispute sa China, bagama’t inihayag ng NSC na nakasaad sa inilabas na Executive Order 81 na “it is important to ensure that council members uphold and protect national security and sovereignty.”

‘Discretionary’ din umano ang desisyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagrere-organisa ng NSC, bukod pa na tanging ang Pangulo lamang ng Pilipinas ang may kapangyarihan na magpalit ng mga miyembro ng national security council gaya ng ibang nakaraang pangulo ng bansa.


Nabatid pa na mula kay dating Presidente Ferdinand Marcos, Sr. hanggang kay Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ay na- reorganize na ang NSC. Ito ay dahil ang national security council ay isang advisory body ng Pangulo kaya may kapangyarihan ang presidente na i-reorganize ito anumang oras.


Tags: National Security Council (NSC)

You May Also Like

Most Read

Latest News