Herbosa, suportado ng Simbahang Katoliko

By: Carl Angelo

Nagpahayag ng suporta ang Simbahang Katoliko sa pagkakahirang ni Teodoro “Ted” Herbosa bilang bagong Secretary ng Department of Health ng bansa.

Napag-alamang ikinagalak ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care vice chairman, Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagkakatalaga kay Herbosa bilang isang magandang hakbang upang higit na magabayan ang pamamahala sa sektor ng kalusugan sa bansa.


“With the appointment of Sec. Ted Herbosa for the Department of Health, we thank the Lord for this choice because at least, we shall be guided once again in the resolution of the concerns of the Department of Health,” ayon kay Bishop Florencio .

Nabatid pa na si Herbosa ay dating undersecretary ng DOH mula 2010 hanggang 2015 na nanguna sa mga programa tulad ng Hospital Accreditation Commission, modernisasyon ng Philippine Orthopedics Center, at pagsusulong ng Public-Private Partnerships sa sektor ng kalusugan.

Nagsilbi rin ang bagong kalihim bilang dating adviser ng National Task Force (NTF) for COVID-19.


Nagpahayag ng pag-asa si Bishop Florencio na sa pamumuno ni Herbosa sa DOH ay matutugunan at mabibigyang-pansin ang mga usaping pangkalusugan na mahalaga para sa kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino.


Tags: Teodoro "Ted" Herbosa

You May Also Like