Latest News

Herbosa, binuliglig ng FFW sa COVID-19 allowance

By: Carl Angelo

Binulilig ng Federation of Free Workers (FFW) si Health Secretary Teodoro Herbosa na maging totoo sa kanyang pangako na mamadaliin ang pagpapalabas ng mga hindi pa nababayaran na COVID-19 allowances of health workers.

Sa ilalim ng Under Republic Act No. 11712, ang health care workers (HCWs) ay bibigyan ng buwanang health emergency allowance (HEA) na P3,000 para sa mga nagta-trabaho sa mga low-risk areas; P6,000 sa mga moderate-risk areas at P9,000 sa mga medical frontliners na nasa high-risk na lugar.

Sinabi ng FFW na dapat na natanggap na ng mga health workers ang nabanggit na benepisyo sa loob ng panahon na ang bansa ay nasa state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic.


Umaasa ang FFW na tutuparin ni Herbosa ang kanyang pangako dahil sa tinanggal na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang public health emergency sa bansa.

Tags: Health Secretary Teodoro Herbosa

You May Also Like

Most Read