Pinag-iisipan umano ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang pagbabawal sa mga “Mukbang’ videos” matapos na mamatay sa stroke ang isang food vlogger. Ang Mukbang videos ay pinasikat sa South Korea, kung saan makikita sa video ang host na kumakain ng napakaraming pagkain habang nakikipag-interact sa mga audience.
“I can ban it locally…I can propose banning mukbang locally and even ask DICT (Department of Information and Communications Technology) to ban those sites,” Ani Herbosa.
“Kasi para rin siyang food pornography, ‘di ba? It’s asking, making people eat like gluttons. You can earn income as long as it does not produce health risks. If you’re earning from something that is a public health threat, I will have to stop you,” dagdag pa ng kalihim.
Aniya, isang “bad practice” umano ang mukbang at ibinabala ang panganib nito sa kalusugan ng mga gumagawa nito.
“I know it’s a bad practice because people make content by overeating and overeating is not healthy. It will lead to obesity, and obesity will lead to hypertension, heart conditions, non-communicable diseases, and even heart attacks,” ani Herbosa.
Magugunita na ang food vlogger na si Dongz Apatan ay namatay sa stroke matapos na kumain ng maraming fried chicken at kanin. Si Apatan ay may mahigit 400,000 followers sa Facebook at namtay sa murang edad na 38 lamang.