Latest News

Hepe nila sabit din… 2 POLICE NA NAGMU-MOONLIGHTING NA SEKYU NI CONG. DUTERTE, PINASISIBAK

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAG-UTOS kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagsibak sa serbisyo sa dalawang police officers na umano’y nagmu-moonlighting bilang bodyguards ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte.

Ayon kay General Marbil, kasunod ito ng insidente sa loob ng isang restobar sa Davao City kung saan na-identify ang dalawang PNP personnel at dalawang sundalo umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kumakalat na CCTV footage na kinasasangkutan ni Cong. Pulong Duterte.

Ayon sa hepe, apat na uniformed personnel ang sangkot sa naturang insidente. Dalawa ang mula sa kanilang hanay habang dalawa naman ang mula sa hanay ng AFP.


Lumilitaw na hindi umano mga awtorisado ang dalawang pulis na nagsagawa ng ‘moonlighting’.

Sinasabing nag-surrender na ng kanilang mga service firearms ang dalawang pulis at maging ng kanilang mga identification cards, subalit sinasabing nag- AWOL (Absent Without Official Leave) na ang mga ito.


Samantala, binigyang-diin ni Marbil na sabit din sa sibakan ang hepe ng mga sangkot na pulis na nagsagawa ng ‘moonlighting’ dahil sa pangungunsinti sa gawain ng kanilang mga tauhan.

“Everyday, we submit reports, we account our personnel. Hindi po mangyayari ang moonlighting kung hindi ho dadayain ang report nila. So, ’yong dalawa na ’yon na nagmu-moonlighting sa Davao, expect po ’yong mga commanders nila will be discharged. Ito po ’yong babala sa mga pulis natin: make sure to take your job religiously,” ani Marbil.


Matatandaan naman na hindi ito ang unang beses na nagtanggal sa serbisyo ang PNP dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na pagdidisiplina kontra sa mga gumagawa ng ‘moonlighting,’ kung saan 11 miyembro ng Special Action Force (SAF) kasama na ang kanilang mga command officers ang sinibak.

Tags: Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil

You May Also Like

Most Read