ITINAAS na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang hemodialysis sessions nila mula 90 sa 144 para sa kanilang mga miyembro ngayong 222.
Ito ay makaraang ilabas ng Philhealth ang Circular No. 2022-001 ma epektibo kaagad.
Ayon sa Department of Health, na ang kalihim ang umuupong Chairperson ng Philhealth, na layon nilang ipatupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mas mahusay na healthcare service.
Maari na ngayong magamit ng mga miyembro ng Philhealth at kanilang dependents na may Chronic Kidney Disease (CKD) Stage 5 at nakarehistro sa PhilHealth Dialysis Database ang maximum na 144 hemodialysis sessions hanggang Disyembre 31, 2022.
“These dialysis sessions must be prescribed by their attending physicians, and the 91st to 144th sessions shall be exclusively used for outpatient dialysis only,” ayon sa DOH.
Ang hindi mauubos na session sa 2022 ay hindi na magagamit sa 2023.
Ang mga kuwalipikadong CKD patients na nagamit na ang kanilang ika-91 hanggang 144 sessions ngunit hindi nakakuha ng automatic deductions sa kanilang benepisyo sa medical nills ay maaaring direktang mag-aplay ng kanilang claims sa anumang PhilHealth Regional/Branch Office o Local Health Insurance Offices.
Magpapatupad din ng No Balance Billing (NBB) policy, kung saan walang ibang sisingilin na fees o pababayaran sa pasyente.
“We thank PhilHealth for expanding its benefits for dialysis patients through this issuance. It will improve the access of our kababayans to life saving services and help in our implementation of universal health care,” saad ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire. (Carl Angelo)













