Latest News

HELPER, TODAS SA NAKA-FACEMASK

PATAY ang isang 30-anyos na lalaki nang pagbabarilin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng isang lalaki di nakilala dahil sa suot na face mask, habang nakikipagkuwentuhan sa mga barkada, Balut, Tondo, Maynila, Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Gregorio Alba Alcantara, binata, residente ng 214 Building Housing Permanent, Balut, Tondo dahil sa mga tinamong bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting ng Manila Police District Homicide Section, alas 10:05 ng gabi ng Pebrero 20, habangnakikipagkuwentuhan ang biktima sa ilang mga kaibigan sa pagitanng Building 5 at Bldg 6 ng Permanent Housing, sa Balut, nang biglang lumutang ang salarin na nakasuot ng face mask, long sleeve shirt na itim, shortpants at tsinelas. Mabilis na pinaputukan ng magkakasunod ang biktima, na nagawa pang makatakbo subalit hinabol pa siya at muling pinaputukan na ikinabagsak niya.


Isang Alex Longgakit, kaibigan nang biktima ang lumabs ngbahay upang sumaklolo. Isinugod sa ospital ang biktima na hindi na umabot ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkilanlanng suspek at motibo sa pamamaslang. (TSJ)

Tags:

You May Also Like

Most Read