Latest News

Helper, tinarakan ng kainuman, patay

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang 24- anyos na helper matapos na saksakin sa dibdib ng kanyang nakainitang kainuman kamakalawa ng gabi sa loob ng isang bahay sa Area B Gate 13, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ayon kay PSSG Irene Jay Manalili, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, namatay noon din ang biktimang si Gerri Añosa,ng 840 Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila.


Arestado naman ang suspek na si Ricardo Natanio, 41,ng Apex Parola Compound, Tondo, sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng MPD-Police Station 12. Nakumpiska sa kanya ang ginamit na patalim sa pananaksak sa biktima.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente, alas- 10:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nag-iinuman umano ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nilang kaibigan nang biglang magtalo ang dalawa.


Sa kasagsagan ng pagtatalo ay bumunot ng patalim ang suspek at kaagad na sinaksak ang biktima sa kaliwang dibdib, na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nakatakdang sampahan ng kasong. murder sa Manila Prosecutor’s Office (MPO) ang suspek.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read