Latest News

Helper, sugatan sa mga saksak

By: Baby Cuevas

Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na helper matapos na pagsasaksakin ng dating kaalitan nito,kahapon ng umaga sa Road 10 Katuparan Brgy.101 Tondo, Maynila.

Habang isinusulat ito ay ginagamot sa Tondo Medical Hospital ang biktimang si Cliford Nate Mariano,27, ng Sitio Sto Niño NBBS Proper Navotas City, habang pinaghahanap naman ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 1 ang suspek na nakilala sa alyas na Marvin.

Ayon sa imbestigasyon ni PCpl.Jersan Manaloto, alas- 9:30 ng umaga ay nakatayo umano sa center island ang biktima nang dumating ang suspek at kaagad itong pinagsasaksak habang nakatalikod.


Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa pananaksak. Ayon sa pulisya, matagal nang alitan ang motibo sa nasabing krimen.


Tags: Cliford Nate Mariano

You May Also Like

Most Read