Helper, sugatan nang batuhin ng gunting ng nakasagutang co-worker

By: Baby Cuevas

Nasugatan ang isang 19-anyos na helper matapos batuhin ng gunting ng kanyang kasamahang babae sa trabaho nang makasagutan niya ito, kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.

Tumusok ang gunting sa ibabang bahagi ng likuran ng biktimang si Calvin Klein Dalde, 19 , helper at taga 421 Juan De Moriones St., Binondo, Maynila dahilan para isugod ito sa ospital.


Arestado naman ang suspek na si Norhana Alamada y Makaorao, 18, repacker at residente ng Blk 9 Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District -Police Station 11,naganap ang insidente alas- 3:30 ng hapon sa loob ng Room 3203, 32nd floor ng Sun Joy Tower 3 na matatagpuan sa 757 Caballeros near corner Clavel Sts., Binondo Maynila.

Nabatid na alas- 10 na ng gabi nang maipaalam sa pulisya ang insidente.


Lumitaw sa imbestigasyon na magkasama umano sa trabaho ang biktima at ang suspek nang biglang magkasagutan.

Inawat ang dalawa ng isa nilang kasama sa trabaho pero nadampot na ng biktima ang isang gunting at saka ibinato sa suspek na tinamaan sa likurang bahagi ng katawan.


Patuloy na Inoobserbahan ang biktima na nakatakdang isailalim sa operasyon habang sinampahan naman ng kasong frustrated homicide ang biktima sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 11

You May Also Like

Most Read

Latest News