By: JANTZEN ALVIN
Nakaratay ngayon matapos magtamo ng sugat ang isang 29- anyos na helper na umano ay sinaksak ng suspek na kanyang ipina-barangay dahil sa madalas na pagdura sa harapan ng kanyang bahay, nang magsalubong sila ng landas sa eskinita ng area H Gate 64 Parola Compound , Brgy 275, Binondo, Maynila.
Inoobserbahan ngayon sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Ronald Dabasol y Villanueva, ng Area H Gate 64, Parola Cmpd. Brgy. 275, Binondo dahil sa tama ng saksak sa katawan.
Arestado naman ang suspek na si Apolinario Rosadin~o y Dizon alyas Nonoy. 28, at nakatira rin sa nabanggit na lugar.
Ayon kay PMajor Philipp Ines, chief ng Manila Police District -Public Information Office, matagal na umanong may alitan ang dalawa at pina-barangay pa ng biktima ang suspek dahil sa madalas na pagdura sa harap ng kanyang bahay.
Naganap umano ang insidente alas- 2:15 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong frustrated homicide ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.














