Latest News

Helper, nagbigti

WALA nang buhay nang makita ng kanyang kapatid,ang isang 29-anyos na helper na nakabigti sa loob ng kanilang kuwarto, kamakalawa ng gabi sa Dagupan Extension, Tondo, Maynila.

Isinugod pa sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Joel Jose,taga- 2057 Dagupang Ext.Tondo,pero hindi na ito na-revive pa ng mga doktor.

Sa imbestigasyon ni PSMS Jason Ibasco ng Manila Police District-homicide section, alas- 11 ng gabi ng makita kanyang kapatid na si Ryan ang biktima na nakabigti. Pumanhik ang nasabing kapatid sa kanilang kuwarto para sana magpahinga nang tumambad sa kanya ang biktima..


Ginamit umano sa pagbibigti ng biktima ang isang kulay asul na nylon belt.

Kaagad umanong humingi ng tulong si Ryan sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay para maibaba ang biktima.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. (Philip Reyes)


Tags: Ospital ng Tondo

You May Also Like

Most Read