Latest News

Helper, inatake, patay

By: Philip Reyes

Patay ang Isang helper matapos na atakehin sa puso sa likod ng Asuncion Police Community Precinct, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang biktimang si Ariel Socito, ng No. 925 Asuncion St., Tondo, Maynila.


Ayon sa Manila Police District -Station 2, nakita umano ni Allan Macawili, police striker, na hawak ng biktima ang kanyang dibdib at nahihirapan huminga, alas 8:30 ng umaga, nang magpunta siya sa likod ng presinto.

Humingi umano ng tulong si Macawili kay PEMS Clarence Vinasoy ng Asuncion PCP para madala sa pagamutan ang biktima pero hindi na rin ito naisalba pagdating sa pagamutan.


Tags: Manila Police District -Station 2

You May Also Like