Latest News

HEART NAGPATUTSADA SA DETRACTORS

By: Beth Gelena

Nag-post si Heart Evangelista ng mensahe para sa kanyang detractors.
Aniya sa kanyang Instagram account: “Don’t give the enemy a seat on your table!”
Pero may habol siyang: “Not today.”
Nagbunyi naman ang kanyang mga faney sa pinost nito.
“YAAS QUEEN”
“Go heart! Support Kita Jan. Laban!!!”
“Good  kebs sa kanila.Dont waste your time and energy sa feeling victim.”
“Rip them to shreds”
“Lovin’ the Heart palaban era. Kebs sa mga bashers na yan.”
“The grass isn’t always greener. Ayan unti unti ng napagtatanto ng former glam team niyang mataas ang lipad. Ending niyan baka wala na kumuha sa kanila artista since madami sila hanash.”
Dapat siguro ay hindi na pinapatulan ni Heart ang detractors niya para hindi na nagugulo ang life niya.
Lumalaki lang kasi ang isyu dahil sa kanyang fans na tila nagagatungan kapag nagrereak siya.
Sabi nga ng isang netizen:  “Pak na pak! Lalo kang ibebless kapag ganyang binubully ka nila.”
Anyway, sa kaugnay na isyu, kinumpirma namna ng ng Department of Justice (DOJ) na  walang hold departure order sa dating glam team ni Heart.
May lumabas kasing hinold umano ang former glam team ni Heart  na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar na makapagbyahe sila patungong Dubai.
Pinabulaanan ang alegasyong ito ni DOJ spokesperson Mico Clavano.
Paliwanag  ni Clavano, nakatanggap umano ito ng  report na ang isyu nina Jeck at Justin was on the side of Dubai’s airport and authorities.
Ang espekulasyon naman ng netizens,  may kinalaman umano ang mag-asawang Heart at ang mister na si Senator Chiz Escudero due to Heart’s falling out with her former glam team.
Sa pag-uulat ng GMA News, dinenay ng DOJ spokesperson ang alegasyon na may hold departure order sina Jeck at Justin.
“It was found that there was no derogatory record. Wala naman po siyang HDO. Wala din siyang international lookout bulletin order,” ani DOJ spokesperson Clavano.
“On the side of the Philippines, wala naman tayong problema… it was on the side of the Dubai airport and Dubai authorities na nagkaproblema,” esplika nito.

You May Also Like

Most Read