Healthy Pilipinas, isusulong ni Herbosa

By: Carl Angelo

Hinikayat ni Health Secretary Ted Herbosa ang Sambayanang Pilipinas na makiisa sa kanyang layunin na mabigyan ng mabuting kalusugan ang mga Filipino.

Si Herbosa, pamangking apo ni Delfina Rizal Herbosa na isa sa tatlong babaeng gumawa ng watawar ng Pilipinas kasama sina Marcela Marino de Agoncillo at Lorenza Agoncillo, ay nakiisa sa Ika- 125.taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.


“Maligayang pagbati ngayong Ika 125 anibersaryo ng Araw ng ating kalayaan , mula sa Kagawaran ng Kalusugan, kaisa tayo ng buong bansa sa pagdiriwang ng ating kalayaan at kasarinlan, ” mensahe ni Herbosa.

Ayon kay Herbosa, misyon ng DOH na tiyaking mabubuhay ang lahat ng malaya, produktibo at kasama ang mimamahal sa buhay

Tiniyak ni Herbosa na kasama niya ang buong kagawaran sa pag- aksyon upang maisa-ayos ang sistema ng kalusugan sa bansa.


Tags: Health Secretary Ted Herbosa

You May Also Like