Latest News

HAWAAN NG COVID, BUMABA SA NCR

BUMABA pa ang average daily attack rate (ADAR) at reproduction number sa National Capital Region (NCR) kasunod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID19.

Ayon sa Tweet ni OCTA Research Group fellow Dr.Guido David bumagsak sa 5.5 ang ADAR sa NCR nitong Biyernes mula sa 6.3 noong Huwebes.

Sinabi rin ni David na ang COVID-19 reproduction in NCR, o bilang ng taong nahahawa ng isang may impeksiyon ay bahagyang bumaba sa 0.22 mula sa 0.23.


Lumabas rin sa datos na nakapagtala ang NCR ng 486 bagong kaso noong Biyernes na pinakamataas na kaso sa lahat ng rehiyon sa bansa. (TSJ)

Tags:

You May Also Like

Most Read