Latest News

‘HATID SAYA’ PROGRAM PARA SA MGA OFW, BUBUHAYIN NG OWWA

Muling bubuhayin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ‘Hatid Saya’ entertainment program para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad.

Ayon kay OWWA administrator Arnell ignacio, ang paglilibang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ay isa sa mga hakbangin ng ahensya bukod sa pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Nabatid na unang inilunsad ang Hatid Saya noong 1980 bilang isang musical tour na umiikot sa mga lungsod sa iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Filipino performers, entertainers at singers.

Idinesenyo ang programang ito upang makatulong na maibsan ang homesickness at culture shock ng mga OFW, lalo na sa mga nag-migrate abroad para sa kanilang bagong trabaho.

Samantala, tiniyak ni Ignacio sa mga OFW na handang tumulong ang ahensya kaugnay sa mga alalahanin ng mga ito.

Tags:

You May Also Like

Most Read