DINAGSA ng Noranians ang special screening ng “Faney” na tribute film para kay Nora Aunor.
Dumalo ang anak niyang si Ian de Leon kasama ang kapatid na si Kenneth at kanilang pamilya.
Nagpasalamat si Ian kay Direk Adolf Alix para sa pelikulang alay sa kanyang ina.
Lubos din ang pasasalamat ni Ian kay Direk Adolf sa pagkakabuo ng pelikula, na isa umanong “pagbibigay-pugay” sa inang National Artist.
Emosyonal si Ian habang binibigyang-halaga ang alaala at pamana ng kanyang ina sa industriya.
Ang naturang screening ay ginanap noong kaarawan mismo ni Ate Guy sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 at dinaluhan din ng pamilya Aunor.
Kinuha ng ilang press ang pagkakataon upang kumustahin si Ian ukol sa usapin ng mga naiwanang ari-arian ni Ate Guy.
Tikom naman si Ian sa usapin ng mga naiwanang ari-arian ni Nora.
Hiling niya ay irespeto ang privacy nila.
Sa mga nakalipas na linggo, may mga lumabas na espekulasyon ukol sa mga properties ni Nora na tila hindi pa umano malinaw ang hatian o disposisyon.
Ayon kay Ian: “It remains confidential. Siyempre ‘yung mga inaayos rin namin, ‘yung sa personal na mga bagay. Beyond that, it’s confidential. I hope people will respect that.”














