HARRY ROQUE, KAKASUHAN NG NBI NG INCITING TO SEDITION

By: JANTZEN TAN

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang post na panghihikayat umano ng ‘people power’ ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na maari umanong maharap sa kasong inciting to sedition.


Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na hindi makakatulong sa bansa ang pagtatawag ng marahas na kilos, kasabay ng pagbatikos kay Roque na hindi naman umano isang lider at habang nagtatawag umano ng people power ay nagtatago naman.

Patunayan umano dapat ni Roque ang tapang nito sa pamamagitan ng pag-uwi sa bansa.

Samantala, bilang na ang mga araw ng vloggers at trolls na nasa likod ng pagkakalat ng mga fake news at pambabastos sa social media at iba pang online sites at platforms.


Napag-alamang inatasan na ni Santiago ang NBI cybercrime unit na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga trolls at mga vloggesr na sangkot sa paggawa ng mga pekeng impormasyon.

Aniya, sa kabila na may freedom of speech at freedom of expression, hindi ito karapatan para gumawa ng maling istorya.


Tiniyak din ni Santiago na kakasuhan sa Department of Justice (DOJ) ang mga vloggers at trolls, kabilang na ang isang US-based vlogger na puwede aniyang hilingin sa ilalim sa extradition.

Ang isasampang kaso ay base sa kalalabasan ng pagsisiyasat ng DOJ mula sa paglabag sa anti-cybercrime law hanggang sa inciting to sedition.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like