Latest News

Hamon ng mga Obispo sa BSK officials: Paglingkuran ang pamayanan, itaguyod ang ‘common good’

By: Carl Angelo

Nananawagan ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nanalong kandidato ng nagdaang Barangay at Sangguniang na matapat na paglilingkod sa kapakanan ng buong pamayanang nasasakupan.

Ayon kay Caritas Philippines National President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay maayos na matanggap ng mga mamamayan ang mga programa ng gobyerno.


Paliwanag ng Obispo, kinakailangang iwaksi ng mga halal na opisyal ang pansariling interes sa posisyon sa halip ay unahin kabutihan at kapakanan ng taumbayan o ang common good.

“We urge you to serve the best interests of your barangays and to work tirelessly to improve the lives of your constituents,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nagpapasalamat naman si Bishop Bagaforo sa lahat ng mga nangasiwa sa pagtiyak ng kaayusan, kapayapaan at katapatan ng nagdaang halalan kabilang na ang mga kawani ng Commission on Elections (COMELEC), Pambansang Pulisya ng Pilipinas, volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), lalo’t higit ang mga guro na nangasiwa ng halalan sa loob ng mga silid aralan.


“We thank you for going beyond your civic duty and for your commitment to ensuring that our elections were free, fair, and peaceful… Your sacrifices and dedication are truly commendable.” Mensahe ni Bishop Bagaforo.

Tiniyak din ni Bishop Bagaforo ang tuwinang pakikibahagi ng Simbahan upang tulungan ang mga lingkod ng barangay at sangguniang kabataan na isulong ang ng kaayusan at kaunlaran sa pamayanan.


Pinaalalahanan naman ni CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga bagong halal na opisyal na ang pagiging lider ay may kaakibat na pananagutan sa Diyos kaya’t mahalagang gampanan ito nang buong katapatan.

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat ng lider ng pamayanan maging ang Simbahan na gampanan ang kanilang mga tungkulin.


“Malaki ang pananagutan natin sa Diyos, tayong may mga leadership roles. Tayo ay katiwala ng ating posisyon at ito ay isang responsibilidad,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng obispo na dapat panindigan ng mga lider ang tiwalang ibinigay ng Diyos upang pangasiwaan ang pamayanan at huwag sayangin ang pagkakataong paglingkuran ang kapwa.

Ayon pa kay Bishop Pabillo, bukod sa mga halal na lider ng bayan kabilang na rin dito ang mga pastol ng simbahan, mga guro, magulang at iba pang indibidwal na inatasang mamuno sa mga komunidad na kinabibilangan.



Tinukoy opisyal ng CBCP ang katatapos na barangay at sangguniang kabataan elections kung saan hinamon ang mga nanalong indibidwal na gampanan ang kanilang tungkulin sa pamayanan lalo na ang pag-unlad ng mga barangay at paglingap sa bawat nasasakupan.

“Ang pagiging leader ay service natin sa iba at hindi para sa ating sariling kapakinabangan,” ani Bishop Pabillo.

Sa nakalipas na BSKE, naihalal ang mahigit sa 42,000 na barangay kapitan at sangguniang kabataan chairperson at mahigit sa 300,000 kagawad sa buong bansa.

Tags: Caritas Philippines National President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo

You May Also Like