Latest News

HALOS DALAWANG MILYONG HALAGA NG SHABU NASABAT NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National police ang may P1.9 million halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa Iloilo River Plains Subdivision, Barangay Lanit, Jaro District, kamakalawa.

Sa ibinahaging ulat ng Regional Drug Enforcement Unit-6 ng PNP-Police Regional Office-6 ay kinilala ang mga nadakip sa inilunsad na buy-bust operation na sina Joemarie, Rufino, Jhon, Elner at Antonio, matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur-buyer.

Na-recover sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang 17 pitong sachet ng shabu.

Samantala, tiniyak naman ni Villaflor na tuloy-tuloy at higit pang paiigtingin ang kanilang anti-sdrug campaign sa Western Visayas.

Tags:

You May Also Like

Most Read