Halos 7K ICPs, nakapagpaturok na ng 2nd COVID-19 booster shot

UMAABOT na sa halos 7,000 immunocompromised (ICPs) individuals sa bansa ang nakatanggap na ng kanilang second COVID-19 booster shots.

Sa Laging Handa briefing nitong Sabado, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) na sa kasalukuyan ay nakapagtala na sila ng kabuuang 6,702 ICPs na naturukan ng second COVID-19 booster shots, sa unang linggo pa lamang nang pag-arangkada ng naturang bakunahan.


Wala pa naman aniya silang datos kung ilan ang mga non-ICPs na nakatanggap ng kanilang second booster.

Ayon kay Cabotaje, sa ngayon ay mayroon nang 67.8 milyong fully-vaccinated individuals sa bansa.

Aminado naman si Cabotaje na mabagal ang rollout ng first booster at nasa 31.2 milyong katao pa lamang ang nakatanggap ng kanilang unang booster dose.


“We have enough boosters for the second booster. Individuals who received their first booster could be given a second booster. The rollout of the first booster was quite slow,” aniya pa.

“We will have a sufficient supply for those willing to have their second booster if it will be opened up to other age groups,” dagdag pa niya.


Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na rin ng NVOC kung magtatayo sila ng mga vaccination sites sa mga polling precincts sa araw ng halalan, upang makahikayat ng mga botante na magpabakuna na rin laban sa COVID-19. (Jantzen Tan)


Tags: National Vaccination Operations Center (NVOC)

You May Also Like