Latest News

Halos 3 milyong bagong botante, nadagdag sa voters’ list

UMABOT sa kabuuang 2,936,979 bagong botante ang nadagdag sa voters list ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtatapos ng 18 araw na voters registration nitong Hulyo 23.

Kabilang sa bilang na ito ang: 15-17 taong gulang- 1,814,907; 18-30 taong gulang- 936,418; at 31 pataas- 158,654.


Nasa kabuuang 3,900,250 aplikasyon ang naproseso ng Comelec nitong Hulyo 23 na kanilang nilinis at itinira ang mga kuwalipikado.

Ang pagbubukas ng voters registration ay para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre.

“Record breaking po ang 18 days na voter’s registration na naganap sa ikalawang pagkakataon sa loob ng pandemiya,” ayon kay election spokesperson John Rex Laudiangco.


Bukod sa aplikasyon ng mga bagong botante, prinoseso rin ng Comelec ang aplikasyon ng mga nais i-reactivate ang kanilang rehistro, pagpapalipat sa ibang lugar o presinto, at aplikasyon mula sa overseas voting tungo sa local voting. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like