HABANG tinatahak ni Tropical storm Kong-Rey (international name) ang Philippine Area of Responsibility na posibleng maging isang ganap na bagyo at tatawaging Typhoon Leon ay umakyat na sa 126 ang pinangangambahang nasawi at nawawala base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) .
Sa pinakahuling datos na ibinahagi ng NDRRMC kahapon ng umaga ay nasa 90 ang reported death habang nasa 36 naman ang deneklarang missing (This includes those that have been reported but are not yet reflected in the NDRRMC SitRep) sa mga lugar na sinalanta ng STS Kristine.
Bukod sa nasabing bilang, may 71 katao naman ang inulat na nasaktan sa kasagsagan ng paghagupit ni Kristine .
Pinangangambahang lolobo pa ang mga nasabing bilang dahil may mga lugar pa rin na hindi nararating ng government search rescue and retrieval team dahil nasa 642 areas pa ang nanatiling baha sa untered the Philip
Umakyat na sa P1,432,229,305.62 ang naging danyos sa agrikultura habang nasa P3,079,167.50 naman ang halaga ng pinsala sa livestock, poultry at fisheries, dahilan para umabot sa 158 ang kabuuang bilang ng mga siyudad, munisipalidad ang idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity (SOC).
Samantala , lalong bumilis ang pagtahak ng Tropical Storm Leon (international name: Kong-rey) sa karagatan saklaw ng Pilipinas habang papalapit ito sa bahagi ng Central Luzon.
Sa 11 a.m. cyclone update, ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) TS Leon ay nasa 1,075 kilometers east ng Central Luzon.
Inaasahang lalo pa itong lalakas sa mga susunod na oras at maaaring magiging ganap na severe tropical storm category ngayong Lunes at magiging ganap na bagyo bukas araw ng Martes, ayon pa sa state weather bureau.
Posible umanong hindi ito ganap na tumama sa land mass ng bansa subalit magdadala ito ng malakas na mga pag ulan dahil hahatakin nito ang umiiral na southwesterly wind na makakaapekto sa Visayas, Mindanao kanlurang bahagi ng Southern Luzon.
“The highest wind signal which may be hoisted during the occurrence of Leon is Wind Signal No. 2,” ayon pa sa PAGASA.














