HABAMBUHAY NA HATOL SA AUSTRALIAN NA NANGGAHASA NG PINAY

By: Philip Reyes

Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang hatol na iginawad sa ang isang Australian national matapos mapatunayang ‘guilty’ ng Malolos, Bulacan Regional Trial Court sa panggagahasa sa isang Filipina noong 2013.

Sa 24-pahinang desisyon ng Malolos Bulacan Regional Trial Court, Branch 78, napatunayan na ‘guilty’ si Ronald Ian Cole, na kilala rin bilang “Ric,” sa kasong rape na may kaparusahan sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 8353. Si Cole ay residente ng Pilipinas mula noong 2011 sa ilalim ng ‘ special resident retirement visa. ‘


Inatasan rin si Cole na magbayad ng P225,000 danyos sa biktima bukod sa hatol na reclusion perpetua ni Judge Golda Pablo-Salamat.

Ayon sa records ng korte, ang complainant ay nakatira sa property ng akusado sa San Jose del Monte, Bulacan at noong Enero, 2013, habang may sakit ang complainant ay inalok umano siya ni Cole na bigyan ng gamot para gumaling.

Nang inumin nito ang ibinigay na tableta ni Cole ay nanghina umano ang biktima at dito na siya paulit-ulit na ginahasa ni Cole na umabot sa tatlong beses sa isang linggo.


Mariing Itinanggi ni Cole ang alegasyon at gumagawa lamang umano ng kuwento ang biktima dahil sa iniinom nitong gamot subalit kinatigan ng korte ang biktima.


Tags: Bulacan Regional Trial Court, Malolos

You May Also Like