INANGKIN ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa men’s floor exercise ng 2024 Paris Olympics sa harap ng mga manonood sa Bercy Arena noong Sabado ng gabi (Manila time).
Umiskor si Yulo ng 15.000, ang unang pagkakataon na nalagpasan niya ang markang ito sa Olympics matapos umiskor ng 14.766 sa qualification at 14.333 sa all-around final
Sa pagkapanalo ni Yulo sa floor exercise noong Sabado, siya ang
pangalawang Olympic gold medalist ng Pilipinas, kasunod ng yapak ng weightlifter na si Hidilyn Diaz na nag-uwi ng ginto para sa Pilipinas tatlong taon na ang nakalilipas sa Tokyo Olympics.
Samantala, ang Pinay boxer na si Aira Villegas ay sigurado na ng bronze medal nang manalo kontra sa French boxer na si Wassila Lkhadiri noong Linggo at umabante sa women’s boxing 50kg finals.
Pasok na rin si Nesthy Petecio sa quarterfinals ng women’s boxing 57-kilograms matapos talunin ang hometown bet na si Amina Zidani sa pamamagitan ng split decision noong Sabado (Manila time).
Apat na judges ang nagbigay ng score na 30-27, 29-28, 29-28, 29-28 para kay Petecio habang isang judge ang nagbigay 29-28 para kay Zudani.
Ang isa pang panalo ay nangangahulugan ng siguradong bronze medal para aa Pilipinas mula kay Petecio
Sisimulan na rin ni Lauren Hoffman ang 400-meter women’s hurdles bid habang ang 110-meter hurdles competition ni John Cabang Tolentino ay nakatakdang lumaban sa Agosto 6.
Umusad naman si pole vaulter sensation Ernest John ‘EJ’ Obiena sa medal round ng Paris Olympics men’s pole vault na idinaos sa Stade de France noong Sabado (Manila time). Nagtapos si Obiena sa ikapitong puwesto overall sa 2-group, 31-athlete qualification round, matapos ma-clear ang standard height na 5.80m para makasama sa top 12.
Matapos ang 5.75 mark, 10 pole vaulter na lang ang natitira kabilang si Obiena nang matagumpay niya itong maklaro sa unang pagtatangka lamang sa harap ng crowd na may 80,000-seater venue.
Ang pagpasok ni Obiena sa top 12 ay hindi naging madali nang
bigo niyang ma-clear ang taas na 5.60m sa kanyang unang dalawang pagtatangka. Ginamit ng 28-anyos na Pinoy athlete kanyang huling pagtatangka sa 5.70m na agad niyang na-ace gayundin din ang taas na 5.75m.
Si Obiena, ang no. 2 pole vaulter sa buong mundo at unang na-clear ang panimulang taas na 5.40m, ay sasabak sa final set sa Agosto 6.
Sa nakamit na gold medal ni Yulo, tanging ang Pilipinas sa bansa sa Southeast Asia ang napasama sa medal table.
Nangunguna pa rin ang China na may 15-11-9 gold-silver-bronze tally, sinundan ng Australia na may 12-7-5 at United States (11-20-19), sumunod ang host France (11-13-14) habang ang Great Britain ay may 10-10-12 medal tally.
Samantala, 52 bansa anng may tig-iisang medalya habang ang Austria, Egypt, Lithuania, Portugal, Slovakia at Chinese Taipei ay may tig-iisang bronze medal. (SS)