GUWARDIYA NG DOJ, KINUYOG NG MGA NAGRA-RALLY

By: Philip Reyes

Putok ang ulo ng isang guwardiya ng Department of Justice (DOJ) matapos itong hampasin sa ulo ng isang raliyista na sinaway niya sa planong pagii-spray ng pintura sa pader ng ahensiya,kahapon ng hapon sa P. Faura St. sa Ermita, Maynila.

Nangyari ang insidente alas-5 ng hapon sa harap mismo ng DOJ, nang hampasin ang ulo ng di pa nakikilalang guwardiya.


Kinuyog din umano ng tatlong raliyista ang guwardiya at pinagtulungang suntukin.

Napag-alaman na nagsagawa ng Lagablab protest caravan ang mga naturang raliyista sa tapat ng DOJ at paalis na sana ang mga ito nang isa sa mga raliyista ang nagtangkang mag-spray ng pintura sa pader ng DOJ.

Nang sawayin ito ng guwardiya, nagalit ang mga ralyista at hinampas ng lata ng spray paint sa ulo ang huli.


Papatakas na sana ang ralyista pero napigil sila ng mga nagrespondeng pulis .

Samantala, inimbistigahan sa Manila Police District (MPD),ang mga lalaking nanakit sa guwardiya .


Bago nagtungo sa DOJ, una na ring nag-rally ang mga militante, sa pangunguna ng grupong Bayan Timog Katagalugan, sa US Embassy at sa Japan Embassy.

Naroon umano ang grupo para maghain ng demand letter sa DOJ upang hilingin na umusad na ang kaso na isinampa laban kay Elizabeth Camoral, na isa sa mga sinasabing umano’y biktima ng tinaguriang ‘Bloody Sunday.’


Matatandaang si Camoral ay sinampahan ng illegal possession of firearms sa isang operasyon ng CIDG sa Cabuyao, Laguna.

Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read