Latest News

Guro, nag-OT noong election day makakatanggap ng extra honoraria — Comelec

MAKATATANGGAP umano ng karagdagang honoraria, ang mga guro na nag overtime sa kanilang trabaho noong Mayo 9, araw ng halalan.

Ito ang tiniyak ni Commission on Election(Comelec) Spokesman John Rex Laudiangco kung saan hindi pa alam kung magkano pero ito ay katulad ng honoraria ibinigay noong 2019.

“Sa ating mga bayaning guro at mga electoral boards, huwag kayong mag-alala. Hindi po ito first time na nagbigay ang Comelec ng additional honoraria, it’s not necessarily overtime pay,” ani Laudiangco sa isang press briefing


“Ginawa na po natin ito noong 2019 para doon sa mga electoral boards na talagang nagsilbi ng higit sa oras para matapos. Sa atin pong electoral boards wag po kayo mag-alala, ipo-proseso po ito ng Comelec gaya din noong ginawa natin noong 2019,” dagdag pa ni Laudiangco.

Ayon kay Laudiangco ,ayon sa batas ang hinoraria ay matatanggap 15 araw.mula sa araw ng halalan.


Titiyakin umano ng Comelec na maibibigay iyo sa mga guro na nag OT sa panahon na itinatadhana ng batas.(Jaymel Manuel)

 


Tags: Commission on Election(Comelec) Spokesman John Rex Laudiangco

You May Also Like

Most Read