Latest News

Guro, dapat obligahing magpa-COVID19 vaccine

Iginiit ni Infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na dapat obligahin ang mga guro na magpa-COVID-19 vaccine kaugnay ng face-to-face classes sa Agosto 22.

Ang pahayag ay ginawa ni Solante sa isinagawang briefing sa palasyo kung saan irerekomenda niya ito sa gobyerno para maproteksyunan ang mga guro.

“Isang bagay na gusto ko sana i-advocate, na sana ang mga guro naman, mga teachers will have a very high rate of immunization or vaccination. Kasi nakikita natin ngayon marami pang mga teachers ang hindi nagpapabakuna,” ani Solante.

Dapat umano na magsilbing halimbawa ang.mga guro para makapaglagay ng immunity laban sa virus .

“Maraming parents ang nangangamba na kapag papasok ang mga bata sa mga schools, ang mga teachers ay hindi bakunado,” ayon pa kay Solante.

“So importante, we need to mandate vaccination also sa mga teachers, not only for the children ,” dagdag ni Solante.

Hinikayat ni Solante na magpatupad sa paaralan ng minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, paghuhugas ng kamay at maayos na bentilasyon sa loob ng classrooms.

Umaasa si Solante na mabibigyan na ng COVID-19 booster vaccines ang mga nasa edad 12-17.

Idinagdag pa ni Solante na mahalaga na manatili ang kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.na hindi pa niya ito aalisin. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read