Nagsumite si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng ‘clarification letter’ kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang liham ay dinala sa Mabini Hall sa Malacanang ng mga abogado ni Guo na sina Atty.Yvette Gianan at Lorelei Santos.
Sa nasabing liham, nanawagan si Guo sa PAOCC ng patas na imbestigasyon kaugnay ng alegasyon laban sa kanya.
Kasabay nito ay nanindigan din siya na walang kinalaman sa mga bintang sa kanya.
Ayon sa alkalde, walang basehan ang pagsasangkot sa kanya sa mga kasong money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pa, kaugnay ng POGO operations.