Gunrunner, arestado

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 1 ang isang gunrunner sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Mel Lopez Blvd sa harap ng Happy Land Compound Brgy 105 Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 1 ang suspek na si Sherwin Cabalda, 23, ng Bldg 9 Unit 50 Temporary Housing, Brgy 105, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, naaresto ang suspek ala-1 ng madaling araw matapos na iabot ng suspek ang isang . 38 kalibre ng baril na may kargang tatlong bala kay PCpl Guiller Traquena na nagpanggap na buyer.


Nasamsam rin ang P3,OOO halaga ng boodle money at P200. genuine na perang ipinambayad sa suspek.

Sinampahan maman ng kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on
Firearms and Ammunitions) in relation to BP881 (Omnibus Election Code) sa Manila Prosecutors Offic, ang suspek.


Tags: Manila Police District - Station 1

You May Also Like

Most Read