GUNMAN SA PAGPATAY SA BROADCASTER, SUMUKO NA -PTFOMS

By: Victor Baldemor Ruiz

Tuluyan nang sumuko sa National Bureau of Investigation ang umano’y ‘gunman’ sa kaso ng pagpatay sa isang mamamahayag sa Negros Oriental na si Cresenciano Aldevino “Cris” Bundoquin nitong Martes ng gabi.

Ang suspect ay kinilalang si Isabelo Lopez Bautista, na unang itinuturing na ‘person of interest’ matapos na kilalanin na siyang nakatakas na suspek matapos ang pamamaril.


Matapos sumuko ay kaagad naman itong iprinisinta sa mga kawani ng media kasama ang kanyang asawa.

Ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez ng Presidential Task Force on Media Security, bagama’t sumuko si Bautista ay itinatanggi naman nito ang mga paratang na ibinabato laban sa kanya.

Nais lamang umano niya na magbigay linaw at lisin ang kanyang pangalan.


Dagdag pa ng opisyal, mananatili si Bautista sa kustodiya ng National Bureau of Investigation at nilinaw nito na pwede pang umuwi ang naturang suspect dahil wala pa namang isinasampang kaso laban sa kanya, subalit tumanggi umanong umuwi ang suspek at nagpasyang manatili sa kustodiya ng NBI.

Paliwanag pa ni Usec. Gutierrez, gusto umanong makipagtulungan ni Bautista upang maging malinaw ang kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Bundoquin.


Tags: National Bureau of Investigation

You May Also Like