PMaj. Kevin Rey Bautista, OIC ng DPIOU na dumakip sa gun-for-hire leader.

GUN-FOR-HIRE LEADER, ARESTADO SA MPD-DPIOU

By: Jerry S. Tan

Dinakip ng mga operatiba ng Manila Police District -District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU) na pinamumunuan ni PMAJ Kevin Rey Bautista ang lider diumano ng isang ‘gun-for-hire’ group sa isinagawang operasyon kamakalawa ng hapon sa kanto ng Calamasi at Magsaysay Street sa Brgy 120, Tondo, Maynila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng DPIOU ang suspek na si Andrew Villaflor,alyas Andro Dioquino Y Villaflor,45, pedicab driver at taga No. 47 Magsaysay St., Brgy 120, Zone 9, Tondo, Maynila.


Ayon kay Bautista, alas 3:30 ng hapon nang mamataan ang suspek sa nabanggit na lugar at sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Maria Lourdes Estrada -Mislang ng Manila RTC Branch 39 at may petsang Abril 11, 2025, ay dinakip ang suspek na nahaharap sa kasong murder sa nasabing korte.

Napag-alaman kay Bautista na bukod sa lider ng gun for hire group ay sangkot rin umano ang nasabing suspek sa pagbebenta ng shabu sa Tondo.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.


Tags: PMaj. Kevin Rey Bautista

You May Also Like