Latest News

GUN BAN, IPATUTUPAD SA INAGURASYON NINA PBBM AT VP SARA

NAGPASYA Philippine National Police (PNP) nang pagsuspinde ng mga Permit to Carry Firearms outside Residence (PTCFOR) kasunod ng gagawing pagpapatupad ng gun ban sa siyudad ng Davao at maging sa National Capital Region (NCR) kaugnay sa gaganaping magkahiwalay na inagurasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., at VP Elect Sara Duterte- Carpio

Magtatalaga ang PNP ng dagdag na puwersa ng kapulisan na ikakalat sa gaganaping oathtaking sa Davao City at Maynila.

Nabatid na inaprobahan na ni PNP Officer in Charge Lt. Gen Vicente Danao ang pagpapairal ng gunban at pansamantalang pagkasuspindi ng PNP sa mga Permit to Carry Firearms outside Residence (PTCFOR) sa Davao City para sa inagurasyon ni VP Sara sa June 19 at sa National Capital Region (NCR) para sa inagurasyon ni PBBM sa June 30.


Ayon kay PNP Directorate for Operations (DO) chief Police Major General Val de Leon, ang suspensyon ng PTCFOR sa Davao ay epektibo mula June 16 hanggang June 21, habang sa NCR naman ay epektibo ito mula June 27 hanggang July 2.

Paliwanag ni De Leon, bahagi ito ng security preparations para sa dalawang makasaysayang kaganapan, “to maximize the security coverage” for the oath-taking ceremonies, which will be held separately on June 19 for Duterte and June 30 for Marcos Jr.


Kaugnay nito bukod sa pagkumpiska ng mga baril at pag-revoke sa PTCFOR ng mga lehitimong gun-owners na mahuhuling lalabag sa suspensyon, ay sasampahan din ang mga ito ng kaukulang kriminal na kaso.

Kasabay sa patuloy ang paglalatag ng seguridad ng PNP para sa nalalapit na inagurasyon ng mga susunod na lider ng bansa ay mas pinaigting ng kapulisan ang kanilang intelligence network at pag validate sa anumang posibleng banta na kanilang matitiktikan .


Nabatid pa na tinatayang nasa 3,700 police personnel ang idedeploy para sa inagurasyon ni VP Sara habang karagdagang 6,000 namang ang ipapakalat para sa Marcos’ oath-taking.

“The security plans are ready. I just made some suggestions on the aspect of reliable communication lines and some specifics based on my experience in handling big events,”ani De Leon.

Nagbabala rin si De Leon na hindi nila papayagan ang anumang “unruly and unauthorized rallies” . Mahigpit din umanng ipatutupad ang no permit no rally policy ng mga LGU’S na papayagan lamang ganapin sa designated freedom parks .

“We are validating raw information. We do not discount any information that reaches our office. We quickly send them to the Directorate of Intelligence for validation. Be that as it may, we are ready for anything,” pahayag ni MGen. De Leon. Aminado si De Leon na kanilang mino-monitor ngayon ang mga grupo na posibleng manggulo sa inagurasyon. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PNP Officer in Charge Lt. Gen Vicente Danao

You May Also Like

Most Read