Latest News

Gumahasa sa 10-anyos anak ng ka-live in, arestado ng SMART

By: Jerry S. Tan

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team(MPD-SMaRT),ang isang 28-anyos na lalaking inakusahang gumahasa sa 10-anyos na dalagitang anak ng kanyang ka-live in, kamakalawa ng hapon sa tinutuluyan nitong bahay sa 531 Asuncion St. binondo, Maynila.

Ayon kay PMajor Edward Samonte, hepe ng SMaRT, ang suspek ay inaresto sa bisa ng inisyung arrest warrant ni Presiding Judge Marissa Pajulas Estabaya ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 11, Bacoor City,Cavite,na may petsang Hulyo 26,2023 sa kasong Qualified Rape sa ilalim ng Par. 1(A) of Art. 266-A in rel. to Art. 266-B.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek .


Nalaman na ginahasa ng suspek ang anak ng kanyang kinakasamang noong sila ay nagsasama pa, noong Nobyembre 20,2021 sa loob ng tinitirhan nilang bahay sa JustinVille Panapaan 7, Sitio 14 Bacoor Cavite.

Nang mabuko ang panggagahasa ay umalis na ng kanilang bahay ang suspek at nagtago sa Maynila.

Ang suspek ay kasama sa listahan ng most wanted sa district level.

Nakadetine ang suspek sa SMaRT at hinihintay na lamang ang commitment order ng korte.


Tags: Manila Police District -Special Mayor's Reaction Team(MPD-SMaRT)

You May Also Like

Most Read