Guevarra sa NTF-ELCAC: ‘Wag magred-tagging kung walang ebidensiya

Pinagbawalan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga indibiduwal na may kaugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na magred-tagging ng mga tao kung walang hawak na ebidensiya .

Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra nang tanungin kung suportado niya ang istilo ng NTF-ELCAC sa pag red-tagging o pag-uugnay sa isang tao sa kilusang komunista.


Sinabi pa ni Guevarra na hindi polisiya ng task force ang red-tagging.

“Meron lang certain persons associated with the NTF-ELCAC na who might have been vocal about their impressions about certain groups. Kaya nga sinasabi na these people are red-tagging certain groups,” pahayag ni Guevarra sa Kapihan sa Manila Bay.

Ayon pa kay Guevarra malinaw ang kanilang posisyon sa red-tagging at malimit niyang pinapayuhan ang task force na huwag itong gawin kung walang ebidensiya.


“Kung wala ka naman ebidensya to support anything, except to suspect na ito ay fronts ng let’s say communist terrorist groups, eh ‘wag ka na lang magsalita,” dagdag ni Guevarra .

Inilalagay lamang umano nila sa panganib ang buhay ng mga tao kung wala namang ebidensiya dahil mamya ang taong tinarget ay bukas lamang sa kanilang pananaw sa pulitika.


Hinikayat rin ni Guevarra ang task force na sampahan ng kaso ang mga indibiduwal kung may ebidensiya sila.

“Kasi what’s the point of labeling people? Wala namang mangyayari if you just label people. Kung mayroon kang ebidensya against them then file the necessary legal action against them,” giit ni Guevarra. (Anthony Quindoy)


Tags: National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

You May Also Like