Mainit ang usapin ngayon ang tinatawag na ‘guarantee letter.’
Ito ay isang liham na mula sa isang pulitiko na ibinibigay sa kanyang constituent na maysakit upang makakuha ito sa ospital ng kaakibat na tulong-medikal sa ilalim ng special assistance program.
Hindi ko alam sa iba, pero sa kaso ni Manila Congressman Joel Chua (3rd district), walang kaproble-problema ukol sa guarantee letters ang kanyang opisina dahil lahat ng lumalapit sa kanyang tanggapan ay lumalabas nang masaya.
Halimbawa na lamang ang pasyenteng si Elizabeth Boquiron na ilang taon nang may iniindang chest pain pero inuuna niya ang kalusugan ng asawa niya.
Noong nagpa-angiogram siya sa tulong ni Congressman Chua, doon nalaman na may tatlong baradong ugat sa puso at kailangan niya ng bypass surgery sa Heart Center.
Sa tulong ng guarantee letter ni Cong. Chua, agad siyang na-admit at na-operahan sa Heart Center. Ito ang tunay na kagalingan ng guarantee letter.
Mula check-up, treatment, hanggang sa kayong gumaling, kasama ng pasyente ang kanilang Congressman.
Ang street vendor naman na si Reymar Reyes ay humarap din matinding hamon ng chronic kidney disease.
Sa araw-araw niyang pagtitinda, hindi sapat ang kinikita niya para kayanin ang napakamahal na dialysis pero hindi sumuko si Reymar.
Mula pa lang sa pagpa-padiagnose, nakatulong na ang guarantee letter na ibinigay ni Cong. Chua kaya naagapan ang operasyon at agad siyang nakapagsimula ng libreng dialysis.
Buti na lang, naipasok siya ng tanggapan ni Cong. Chua sa libreng dialysis program nito at malaking ginhawa ito sa kanilang gastusin.
Nagbibigay din ng tulong ang tanggapan ni Rep. Chua sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis.
Gayundin ay nagde-deliver ito ng libreng wheelchair sa mga physically-handicapped na residente ng distrito tres.
Libreng legal advice naman para mga ka-distrito ang ibinibigay mismo ni Rep. Chua, na isang abogado.
Kasama na rin diyan ang tulong sa mga nangangailangan ng basic legal documents gaya ng affidavits, extra-judicial, notarization at SPAs o special powers of attorney.
Para sa ano mang legal na tanong o konsultang legal ay ‘welcome’ ang mga taga-third district ng Maynila na pumunta sa District Office ni Cong. Chua para humingi ng tamang gabay at kaalaaman.
Pero kung ang kontra-partido ay kapwa taga-distrito, lahat ay ginagawa ng Kongresista upang sila ay pagkasunduin na lamang at nang di na humantong pa sa demandahan.
Maging mga katanungan sa pamamagitan ng social media account ay ine-entertain din ni Rep. Chua dahil bilang isang abogado ay alam umano niya ang mataas na gastusin para sa legal consultations pa lamang.
Sabi nga ni Cong. Chua, “Mula sa medical at financial assistance, hanggang legal advice at simpleng kwentuhan at kamustahan. Always happy to serve!”
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.














