Mauupo bilang 1st nominee ng P3PWD partylist group si Ex-Comelec commissioner Rowena Guanzon sa pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo 25,2022.
Gayunman,ayon sa Commission on Election(Comelec) ang nabanggit na hakbang ay isasailalim pa ng deliberasyon ng Comelec en banc.
Ayon kay Rex Lauduangco,natanggap nila ang resignation letters ng limang orihinal na nominees ng P3PWD na nakakuha ng isang “seat” sa 19th Congress matapos na pumuwesto sa ika 24 na puwesto.
Habang ipinabatid naman ni Guanzon sa Comelec matapoa magsumite ng kanyang papel na siya na ang first nomunee ng P3PWD,6 na buwan matapos ang substitution deadline,kasama ang pangalan bi Guanzon sa listahan ng nominees.
Nabatid na noong si Vuanzon ay isa pang Comelec Commissioner,nilagdaan niya ang isang reaolusyon noong Agosto 2021 na nagsasaad na Nobyembre 15,2021 ang deadline para sa substitution ng paetist-nominees na nag withraw sa halalan.
“No substitution shall be valid if filed beyond November 15, 2021, unless the list of nominees originally submitted has been exhausted due to death and/or incapacity of the nominees,” nakasaad pa sa resolution .
Nalaman na kabilang sa mga dahilan ng.mga nagbitiw na P3PWD nominees na si 1st nominee Grace Yeneza ay para.umano.alagaan ang kanyang anak na babae na may cancer; 2nd nominee Ira Paulo Pozon dahil umano sa personal na kadahilanan ; at 5th nominee Lily Grace Tiangco ,para tulungan ang kanyang mister sa negosyo.
Gayunman,kung papayagan ng Comelec ang substitution pagkatapos ng halalan.
Sa ginanap na preaacon ni GuanOn noong Hunyo 3,pinapaburan niya ang substitution.bid sa partylist syatwm pagkatapos nf halalqn.
“November 15 is the deadline for party-list substitution before the elections. Once a certificate of proclamation is issued by the Comelec in favor of the party-list, nobody has a vested right except for the party-list. Therefore, if a certificate of proclamation is submitted to the House, there is now a seat for that winning party-list which is vacant,”ayon pa kay Guanzon. (Anthony Quindoy)














