Guanzon, pinagpapaliwanag ng SC

Inatasan ng Supreme Court (SC) si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat ma- contempt nang pag-usapan sa publiko ang kanyang partylist substitution case.

Nabatid na nag-isyu ng resolusyon ang SC noong Hunyo 19 matapos makatawag ng atensiyon ang ilang public appearance ni Guanzon


“The Court resolved to require her to show cause, within a non-extendible period of ten days from receipt hereof, why she should not be held in contempt for violation of the sub judice rule,” ayon sa SC.

Nabatid na sa sub judice rule,ang magkabilang panig ay pinagbabawalang pag-usapan sa publiko ang merito ng isang kaso na nakabinbin sa korte ang resolusyon.

Una nang nag isyu ang SC ng temporary restraining order (TRO)


Noong nakaraang buwan, nag-isyu ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) para pahintuin si Guanzon bilang substitution sa P3PWD Party-list nominee.

Ito ang tugon ng SC sa petisyon ng Duterte Youth Party-list’s na kumuwestiyon sa desisyon ng Comelec na payagan ang substitution bid.


Ang P3PWD ay naghain ng mosyon na alisin ang TRO.

Nabatid na pinalitan ang orihinal na nominee ng partylist at nagsumite ng bagong pangalan kasama si Guanzon.


Ang grupo ay nakakuha ng isang seat sa 19th Congress. (Carl Angelo)

Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like