Latest News

GUANZON NAGBANTANG SASAMPAHAN NG IMPEACHMENT SI COMM. FEROLINO

NAGBANTA si outgoing Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na sasampahan niya ng impeachment case si Commissioner Aimee Ferolino dahil sa pagkabinbin sa pagpapalabas ng resolusyon sa kasong diskuwalipikasyon ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ngunit nilinaw ni Guanzon na hihintayin pa niya ang susunod na presidential elections sa pagsasampa ng kaso. Wala umanong silbi kung ngayon siya magsasampa ng kaso kung papayagang makatakbo si Marcos at sakaling manalo.

Naitalaga si Ferolino bilang komisyuner ng Comelec noong Nobyembre 2020 at maaaring manungkulan hanggang 2027 pa.


Iginiit niya na nagkaroon umano ng “betrayal of public trust” at lumabag si Ferolino sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa kaniyang pagreretiro ngayong linggo, hahalili s akaniya bilang presiding commissioner ng First Division si Commissioner Socorro Inting. Dahil sa galawan ng mga opisyal ng Comelec, iginiit ni Guanzon na dapat muling i-raffle ang disqualification case at hayaan na ibang commissioner ang pumonente ng desisyon kaysa kay Ferolino.

“Because there is this reshuffling of commissioners, this case should be re-raffled. It should no longer be in Commissioner Ferolino’s hands,” giit ni Guanzon.

Patuloy rin ang pagkuwestiyon ni Guanzon sa kakahayan ni Ferolino na umano ay wala namang karanasan na mag-praktis ng abogasya sa korte makaraang pumasa sa Bar Exams.


Tags:

You May Also Like

Most Read