GRUPO NG HOLDAPER, PATAY SA SHOOTOUT; 2 SA KANILA, EX-COPS

By: ANTHONY QUINDOY

LIMANG miyembro diumano ng ‘Gapos Gang’ ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis na humahabol sa kanila nitong Martes, Nobyembre 3, 32026.


Ayon sa ulat ng pulisya (sa pamumuno ni Bacoor Chief of Police P/LtCol Alexie Desamito, dalawa sa kanila ay dating pulis kung saan ang isa ay retirado at ang isa pa ay nadismis sa serbisyo.

Balak sana umanong pasukin ng grupo ang isang bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Molino Boulevard.

Natunugan ng may-ari ng bahay ang kanilang tangka kaya agad itong nakapag-ulat sa mga pulis.


Natagpuan at tinugis ng mga operatiba ang mga suspek hanggang sa dulo ng Molino Flyover malapit sa RFC at Jollibee Molino. Nang manlaban at paputukan ang mga pulis, gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkasawi ng limang miyembro ng sindikato.

Bukod dito, nagkaroon din ng hiwalay na insidente ng pamamaril at habulan noong Hunyo 23, 2026, sa River Drive, Brgy. Molino III kung saan isang 26-anyos na suspek sa holdap ang nasugatan at naaresto matapos mapag-alamang may balak mag-abang ng mabibiktima.


Tags: acoor Chief of Police P/LtCol Alexie Desamito

You May Also Like

Most Read