Latest News

GRADE 9 STUDENT, HULI SA BITBIT NA BARIL

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG 14-anyos na Grade 9 student ang ang nasa balag ng alanganin ngayon matapos siyang makitaan ng undocumented firearms ng mga tauhan ng military sa Takepan National High School sa Barangay Takepan, Pikit, Cotabato nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa ulat mula sa Philippine Army 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, nagsasagawa ng security operation ang kanilang mga tauhan sa Takepan Public Market nang may nagsumbong hinggil sa isang mag-aaral na may dalang baril.


Sa pagresponde ng mga sundalo ay nakuha sa pag-iingat ng binatilyo ang isang modified 5.56 mm pistol na walang kaukulang lisensya. Agad na dinakip ang suspek at saka dinala sa Pikit Municipal Police Station.

Ayon kay Lt. Col. Rowel Gavilanes, Commanding Officer ng Army 90IB, lubhang naka-alarma sa mga school officials, mga magulang at sa local authorities ang insidente .

Dahil dito ay hiniling na magdagdag ng seguridad sa mga pampublikong lugar gaya ng mga paaralan para matiyak din ang kaligtasan ng mga estudyante.


“The school administration is cooperating fully with the authorities in our investigation to determine how the student came into possession of the illegal firearm and if there are any additional individuals involved.”

Inaalam ngayon ng Pikit Municipal Police Station at Army 90IB ang pinagmulang ng nasabing sandata na nakuha sa pagiingat ng binatilyo na nahaharap ngayon sa kaso.


Pahayag naman ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6ID at JTF Central, “This incident serves as a stark reminder of the importance of maintaining a safe and secure educational environment for all students. The collaboration between the military and local law enforcement underscores their commitment to upholding the rule of law and protecting the welfare of the youth.”


Tags: Philippine Army 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion

You May Also Like

Most Read