Latest News

GRADE 11, SABIT SA PAGGAHASA NG GRADE 8

By: Baby Cuevas

Nahaharap sa kaso ang isang Grade 11 na estudyanteng lalaki sa gitna ng akusasyong pinagsamantalahan umano nito ang isang Grade 8 na babaeng kamag-aral niya, kamakalawa ng gabi sa bahay ng biktima sa No.1801 Int. 33 La Purisima Paco, Maynila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng.Manila Police District-Police Station 9 ang suspek na si Allan De Torres, ng nabanggit na lugar.


Napag-alaman na ang suspek ay inireklamo ng biktimang 13-anyos, ng Malate, Maynila.

Sa reklamo ng biktima sa Arellano. Police Community Precinct, kasama umano niya ang suspek at pito pa nilang kaibigan na kapwa menor de edad, na mag-inuman sa bahay ng biktima.

Nang makaramdam ng pagkalasing, ipinasiya ng biktima na matulog na.


Dakong alas-10 ng gabi ay naramdaman umano ng biktima niya na masakit ang kanyang ari at nakita niya na nakababa ang kanyang short at nakaibabaw ang suspek.

Itinulak umano nito ang suspek subalit hindi niya ito kinaya hanggang sa tuluyang nailugso ng suspek ang kanyang puri.


Agad na isinumbong ng biktima sa kanyang ina ang ginawa ng suspek at sinahaman siya nito sa istasyon ng pulisya.

Inaresto ng pulisya ang suspek dakong alas- 12:30 ng.madaling araw sa kanyang bahay.


Ang suspek ay ipinagharap ng kasong paglabag sa R.A. 11648 (Statutory Rape) at R.A. 7610 (Child Abuse) sa Manila Prosecutors Office.

Tags: Arellano Police Community Precinct

You May Also Like